Batas kontra pasaway na mga tsuper lusot na sa committee level sa Kamara

By Isa Avendañ-Umali January 20, 2016 - 04:09 PM

taxi15
Cebu Daily News

Lusot na sa House Committee on Transportation ang panukalang batas na nagpaparusa sa mga pasaway na taxi drivers.

Sinang-ayunan ng lahat ng miyembro ng lupon ang pagpasa sa substitute bill na naglalayong maprotektahan ang publiko laban sa mga abusadong driver ng taxi.

Ayon kay House Transportation Committee Chairman at Catanduanes Rep. Cesar Sarmiento, napapanahon ang pag-apruba sa panukala dahil sa dumaraming reklamo laban sa mga taxi driver.

Sa ilaim ng panukala, inoobliga ang mga taxi driver na kumuha ng tamang lisensya, magsuot ng maayos at magpakita ng official identification card.

Dapat din na ang mga taxi driver ay maging magalang at hindi nakainom ng alak o nasa impluwensya ng ilegal na droga.

Nasasaad pa sa panukala ang mahigpit na pagbabawal sa pangongontrata at pamimili ng mga pasahero at dapat maihatid ang mga pasahero ng taxi kahit saang destinasyon malayo man o malapit at kahit ma-traffic sa daraanan.

Kapag naging ganap batas, ang mga lalabag ay pagmumultahin ng mula 1 hanggang 5 libong piso at masu-suspinde ang lisensya ng mula isang linggo hanggang 1 taon.

 

TAGS: Congress, LTRFB, Taxi, Congress, LTRFB, Taxi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.