8 sugatan sa pagkahulog ng bus sa bangin sa Camarines Sur

By Rhommel Balasbas November 26, 2019 - 04:05 AM

Sugatan ang walong pasahero matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang bus sa Andaya Highway, Barangay Magais, Del Gallego, Camarines Sur, Lunes ng gabi.

Ang bus na pagmamay-ari ng kumpanyang ALPS ay galing sa Iriga City at patungo sana ng Maynila nang mangyari ang aksidente.

Ayon sa mga pasahero, nagpagewang-gewang ang bus bago tuluyang bumangga sa concrete barrier ng highway at mahulog sa bangin.

Naganap ang aksidente sa kasagsagan ng malakas na ulan.

Isinugod sa Tagkawayan District Hospital sa Quezon ang mga nasugatang pasahero ngunit inilipat din sa isang ospital sa Naga City.

Hawak na ng Del Gallego Municipal Police Station ang konduktor at drayber ng bus.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang sanhi ng aksidente.

TAGS: ALPS bus, Andaya Highway, Barangay Magais, bus acicdent, camarines sur, del gallego, ALPS bus, Andaya Highway, Barangay Magais, bus acicdent, camarines sur, del gallego

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.