Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang bahagi ng Davao del Sur ala-1:32 Martes ng madaling-araw.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 14 kilometro Hilagang-Silangan ng Bansalan.
May lalim ang pagyanig na isang kilometro at tectonic ang dahilan.
Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.