Duterte hinikayat ang South Korean companies na mamuhunan sa Pilipinas

Presidential Photo

Welcome ang South Korean companies na magnegosyo sa iba’t ibang industriya sa bansa ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Araw ng Lunes, pinulong ni Duterte ang major companies ng South Korea at hinikayat ang mga itong mamuhunan sa bansa.

Siniguro ni Duterte ang ang proteksyon sa mga kumpanya sakaling magdesisyong mamuhunan o hindi kaya ay palawakin pa ang kanilang mga negosyo sa Pilipinas.

Hindi anya makararanas ng korapsyon at pang-aabuso ang South Korean companies at magiging madali ang kanilang pagkuha ng permits kasabay ang pagtiyak na maibabalik ang investments.

Ayon sa pangulo, nais ng Pilipinas na maipagpatuloy ang pag-unlad nito ngunit kulang ang kakayahan na maaaring punan ng foreign investors.

Nangako naman ang Korean companies na mamumuhunan sa bansa.

Lalahok din umano sila sa mga proyektong pangimprastraktura ng Pilipinas partikular ang Build, Build, Build program ng gobyerno.

Nasa South Korea Si Duterte para sa 2019 Association of Southeast Asian Nations-Republic of Korea (ASEAN-ROK) Commemorative Summit.

Read more...