Pagsalang sa cross-examination sa dating INC minister sa C.A hindi natuloy

Menorca
Inquirer file photo

Ipinagpaliban sa buwan ng Pebrero ng Court of Appeals ang pagsalang sa cross-examination sa dating Iglesia ni Cristo (INC) Minister Lowell Menorca.

Nakatakda sanang isalang sa pagtatanong ng mga abogado ng INC si Menorca kaugnay sa illegal detention case na kanyang isinampa laban sa mga opisyal ng nasabing relihiyon sa pangunguna ng kanilang Executive Minister na si Eduardo Manalo.

Si Menorca ay inaresto kaninang umaga sa lungsod ng Maynila habang papunta sa Court of Appeals.

May kinalaman ang pag-aresto kay Menorca sa paglabas ng warrant of arrest kaugnay sa libel case na isinampa ng pamunuan ng INC sa naturang dating ministro sa Marawi City.

Sinabi ni Menorca na malinaw na gusto siyang patahimikin ng mga INC officials at ayaw nilang malaman ng publiko ang kanyang mga ilalabas na detalye kaugnay sa diumano’y ginawang pagdukot sa kanya at sa kanyang pamilya.

Todo-tanggi naman ang pamunuan ng INC sa nasabing statement ni Menorca kung saan ay sinabi ng kanilang tagapagsalita na si Edwil Zaballa na hindi nila inimpluwensiyahan ang PNP sa ginawang pag-aresto sa dating ministro.

 

Read more...