M3.5 na lindol naitala sa Davao del Sur

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang bahagi ng Davao del Sur alas-8:43 Lunes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong limang kilometro Hilagang-Silangan ng Bansalan.

May lalim itong 11 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa Kidapawan City.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...