“Mariz Tima?”: Pati media ID para sa SEA GAMES may mali

By Rhommel Balasbas November 25, 2019 - 10:49 PM

Hindi rin nakaligtas ang media personalities sa ilang problemang kinahaharap ng 30th Southeast Asian Games.

Ito ay dahil mayroon ding mali sa media accreditation ng dalawang sikat na reporter.

Sa kanyang social media accounts, ibinahagi ni GMA News reporter Raffy Tima ang ID ng isang “Mariz Tima” pero taglay ang kanyang larawan.

Asawa ni Raffy ang isa pang reporter na si Mariz Umali.

Pabirong tanong ni Raffy sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC), para kanino ba ang naturang media ID.

“Hello Phisgoc, kaninong ID po ito? Sa akin o kay Mariz Umali? Asking for a friend ???? P.S. Sana po papasukin niyo pa rin kami para mag-cover. ???? ?#SEAGames2019″, caption ng post ng reporter.

Bukod sa media ID, bumulaga rin sa publiko ngayong araw ang press conference room sa Rizal Memorial Football Stadium na hindi pa tapos gawin.

Nagsimula na ang football competition ng SEA Games.

TAGS: 30th Southeast Asian Games, Mariz Tima, Media ID, Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc), 30th Southeast Asian Games, Mariz Tima, Media ID, Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.