Mga natuklasan sa anti-drug war ni VP Robredo, hindi na dapat isapubliko – Lacson

By Jan Escosio November 25, 2019 - 10:37 PM

Hindi na kailangan pang isapubliko ni Vice President Leni Robredo ang mga nalaman niya ukol sa anti-drug war ng gobyerno sa dalawang linggo niyang panunungkulan bilang anti-drug czar.

Ito ang sinabi ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ngunit pag-amin nito nakadepende pa rin kay Robredo ang lahat.

Aniya, hindi magiging maganda kung ang pagbubunyag ay dahil sa pagbawi sa kaniya ng trabaho at kung maapektuhan nito ang kasalukuyang kampaniya.

Ngunit ayon kay Lacson, kung ang sasabihin ni Robredo ay para mapagbuti pa ang war on drugs ay dapat niyang ibahagi ito.

Ipinagtanggol naman nito si Robredo sa pagsasabing wala siyang nakitang maling ginawa ng bise presidente nang italaga siya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

TAGS: drug czar, ICAD, ICAD co-chairperson, Sen. Panfilo Lacson, Sen. Ping Lacson, VP Leni Robredo, War on drugs, drug czar, ICAD, ICAD co-chairperson, Sen. Panfilo Lacson, Sen. Ping Lacson, VP Leni Robredo, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.