MDRRMO, MTPB naglabas ng traffic scheme plan para sa 30th SEA Games
Naglabas ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ng traffic scheme plan para sa nalalapit na 30th Southeast Asian (SEA) Games.
Ipatutupad ang traffic scheme plan sa paligid ng Rizal Stadium.
Mag-iimplementa rin ng traffic rerouting sa mga sasakyang magmumula sa ilang kalsada sa Maynila.
Mula sa Taft Avenue na bumabagtas sa westbound lane ng President Quirino at planong magtungo sa Adriatico Street, dapat dumeretso sa Roxas Boulevard patungo sa destinasyon.
Mula pa rin sa Taft Avenue na bumibiyahe sa westbound lane ng P. Ocampo at planong dumaan sa Adriatico Street, dapat dumeretso sa Roxas Boulevard o kumanan sa Mabini Street patungo sa destinasyon.
Samantala, sa mga sasakyang mula sa Roxas Boulevard o FB Harrison sa eastbound lane ng P. Ocampo street at planong dumaan sa Adriatico Street, dumeretso sa Taft Avenue patungo sa destinasyon.
Mula naman sa Roxas Boulevard na bumabagtas sa eastbound lane ng President Quirino at planong dumaan sa Adriatico street, dapat dumeretso sa Taft Avenue patungo sa destinasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.