WATCH: Pagsibak kay VP Robredo sa ICAD, tama lamang
Inihayag ni House Committee on Dangerous Drugs chairman Robert “Ace” Barbers na tamang sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo bilang co-chair ng Inter-agency Committee on Anti-illegal Drugs (ICAD).
Aniya, nang maitalaga sa pwesto, puro lamang pagkokonsulta sa United Nations (UN) at European Union (EU) ang inatupag ni Robredo.
Sinabi pa ni Barbers na nawalan na ng tiwala ang pangulo kay Robredo kung kayat wala ng dahilan para manatili ito bilang drug czar.
Narito ang ulat ni Erwin Aguilon:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.