Pagbaba ng hatol sa Ampatuan massacre, pinamamadali na ni Rep. Yap

By Erwin Aguilon November 25, 2019 - 09:15 PM

Naiinip na si ACTS CIS Rep. Eric Yap sa napakatagal na pagbaba ng hatol sa kaso ng Ampatuan massacre.

Ayon kay Yap, 10 taon na ang nakalipas pero nasa ilalim pa rin ng lupa ang katarungan para sa mga biktima at pamilya ng 58 pinaslang kabilang ang 32 mamamahayag.

Sinabi ng kongresista na sinasalamin ng kasong ito kung gaano kabagal ang sistema ng hustisya sa Pilipinas.

Ito’y kahit pa taun-taong inaalala ang malagim na insidenteng ito para hindi malimutan ng taumbayan.

Sa pagsapit ng ika-10 taong paggunita ng Maguindanao Massacre, umaasa ang pamilya ng mga biktima na mahahatulang ‘guilty’ ang 197 akusado.

TAGS: Ampatuan massacre, Rep. Eric Yap, Ampatuan massacre, Rep. Eric Yap

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.