Bilang ng mga nahuling lumabag sa batas-trapiko sa Metro Manila, umabot sa 300 – PNP
Hindi bababa sa 300 motorista ang nahuling lumabas sa batas-trapiko sa Metro Manila, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa isang press briefing, sinabi ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac na nasa kabuuang 310 traffic violators sa ikinasang one-time, big-time operation sa 10 lokasyon sa Metro Manila.
Aniya, naitala ang pinakamaraming paglabag sa overloading na may 264 na motorista.
Kabilang din sa mga paglabag ay ang mga sumusunod:
– pagmamaneho nang walang lisensya
– hindi pagsusuot ng helmet
– pagsusuot ng tsinelas
– reckless driving
– pagkakaroon ng unregistered modified motor vehicles
– pagmamaneho nang may depektong ilaw
Katuwang ng Land Transportation Office (LTO) sa operasyon ang PNP-Highway Patrol Group, Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB), Department of Public Works and Highways (DPWH), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at National Capital Region Police Office (NCRPO).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.