Ito ay kasunod ng pormal na paglagda sa isang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng UP, DOLE, Office of Senior Citizens Affairs ng Quezon City at Ang Probinsiyano Partylist Rep. Ronnie Ong para sa TUPAD program.
Ayon kay UP President Danilo Conception, masaya sila dahil makatutulong sa mga senior citizen na kaya pang magtrabaho.
Nais din aniya nila na magkaroon ng kaparehong programa sa iba pang campus ng UP sa buong bansa.
Sinabi naman QC OSCA head Atty Bayani Hipol, may 100 senior citizens sa loob ng UP Campus ang unang makikinabang sa programa na inisyatibo ni Rep. Ong.
Paliwanag pa ni Hipol, magagaan na trabaho lamang ang ibibigay sa mga senior citizen sa loob ng anim na oras na trabaho at tatanggap ng minimum na sahod.
Ang TUPAD Program ay unang inilunsad sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Maynila at sumunod sa Philippine Childrens Medical Center sa Quezon City.
Sunod naman na lalagyan ng mga benepisyaryong nakatatanda ang mga paliparan na sakop ng Manila International Airport Authority (MIAA).