BREAKING: Ikawalong kaso ng polio, kinumpirma ng DOH

By Angellic Jordan November 25, 2019 - 05:47 PM

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang panibagong kaso ng sakit na polio sa bansa.

Ayon sa DOH, isang siyam na taong gulang na babae mula sa Basilan ang ikawalong kaso ng polio sa bansa sa taong 2019.

Lumabas na positibo sa poliovirus ang ipinadalang sample ng kagawaran sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at National Institute of Infectious Diseases–Japan.

Hindi nakatanggap ng bakuna ang bata laban sa nasabing sakit.

Kasabay nito, muling hinikayat ni Health Secretary Francisco Duque III ang mga magulang at caregiver na pabakunahan ang mga batang may edad limang taon pababa sa ilalim ng “Sabayang Patak Kontra Polio” campaign.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang DOH sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao – Ministry of Health para sa immunization coverage at pagpapaigting ng polio vaccination efforts sa Basilan.

TAGS: "Sabayang Patak kontra Polio" campaign, Basilan, doh, Polio, poliovirus, Sec. Francisco Duque III, "Sabayang Patak kontra Polio" campaign, Basilan, doh, Polio, poliovirus, Sec. Francisco Duque III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.