VP Robredo, failure bilang ICAD co-chair – Palasyo

By Chona Yu November 25, 2019 - 05:46 PM

“Failure”

Ito ang naging paglalarawan ng Palasyo ng Malakanyang sa 18 araw na panunungkulan ni Vice President Leni Robredo bilang co-chairman ng Inter-agency Committee on Anti-illegal Drugs (ICAD).

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, wala kasing nagawang konkretong hakbang si Robredo para labanan ang problema sa ilegal na droga.

Puro lang aniya press conference at pakikipag-usap sa mga dayuhang grupo ang inatupag ni Robredo.

Iginiit pa ni Panelo na ang isang araw na pagkaantala sa paglaban sa ilegal na droga ay maituturing nang eternity o panghabangbuhay.

Hindi naman aniya maaring maupo na lamang sa tabi ang gobyerno at maghintay na lamang kung kalian makapaglalatag ng magandang ideya si Robredo para malabanan ang problema sa ilegal na droga.

“Apparently. And you know – as I said in my statement – when the issue is the very lives of people, delay of one day is like eternity. This government cannot just twiddle its thumb and sit idly waiting for a show of flashes of brilliance from the Vice President to perform,” pahayag ni Panelo.

TAGS: ICAD, ICAD co-chairperson, Palasyo ng Malakanyang, Sec. Salvador Panelo, VP Leni Robredo, War on drugs, ICAD, ICAD co-chairperson, Palasyo ng Malakanyang, Sec. Salvador Panelo, VP Leni Robredo, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.