Tumama ang magnitude 3.1 na lindol sa Davao Occidental, Lunes ng hapon.
Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 57 kilometers Southeast ng Sarangani bandang 4:13 ng hapon.
May lalim ang lindol na 26 kilometers at tectonic ang dahilan.
Ayon sa Phivolcs, walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.