Bangkay ng babae natagpuan sa Bacolod, Negros Occidental

Natagpuang palutang-lutang ang bangkay ng isang babae sa Bacolod City, Negros Occidental araw ng Linggo.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nakita ang hindi pa nakikilalang babae sa karagatang sakop ng Barangay 2.

Una itong nakita ng isang mangingisda sa nasabing lugar.

Agad namang nagkasa ng retrieval operation ang PCG sa lugar.

Dinala ng mga tauhan ng PCG-Bacolod ang bangkay ng babae sa pulisya.

Read more...