Malakanyang, itinangging natakot kay VP Robredo na maging susi sa presidency ang pagiging ICAD co-chair
Non-sense ang espekulasyon ng mga kritiko na natakot si Pangulong Rodrigo Duterte na magiging susi ni Vice President Leni Robredo sa 2022 Presidential race ang pagiging co-chairman ng Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) kung kaya agad na sinibak ito sa pwesto matapos ang 18 araw na panunungkulan bilang drug czar.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, kung batid na ng pangulo ang sitwasyon, hindi na sana ito itinalagang ICAD co-chairman sa una pa lamang.
Igiinit pa ni Panelo na siya mismo ang nag-udyok kay Robredo na tanggapin ang alok ng pangulo para maipamalas ang galing nito sa pagsugpo sa problema sa ilegal na droga.
Sinabi pa ni Panelo na hindi na rin bago ang batikos ng mga kritiko dahil para sa kanila wala nang ginawang mabuti ang pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.