Mahigit 200 katao naaresto na ng PNP dahil sa paggamit ng vape

Umabot na sa 243 na katao ang inaresto ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paggamit ng vape sa pampublikong lugar.

Ayon kay PNP Spoeksperson Brig. Gerard Banac, ito ay anim na araw matapos iutos ni pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabawal sa paggamit ng vape sa public places.

Simula Nov. 19 hanggang Nov. 24, umabot na sa 243 ang nadakip.

May nakumpiska ring 318 na vape devices at 666 na vape juice products.

Ani Banac, agad din naman pinalaya ang mga nadakip.

Ang Central Visayas police ang nakapagtala ng may pinakamaraming naaresto na 195 katao.

Read more...