Robredo nag-grandstanding lang sa ICAD ayon kay Pangulong Duterte
Walang ginawang trabaho si Vice President Leni Robredo bilang co chairman ng inter-agency committee on anti-illegal drugs kundi ang mag-grandstanding lamang.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ito ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte Linggo ng gabi base sa kailang pag-uusap.
Dagdag ni Panelo, bago pa man sinibak ni Pangulong Duterte si Robredo, sinabi nitong diskutento na ang punong ehekutibo.
Simple lamang aniya ang dapat na ginawa kasi ni Robredo.
Ito ay ang nakipag meeting muna sana siya sa pangulo para malaman ang lawak ng kanyang kapangyarihan bilang icad co chairman at hindi puro ngawa lamang sa media.
Dahil aniya sa pinaggagawa ni Robredo, hindi na nakagugulat na talagang masisibak siya sa pwesto.
Maling diskarte aniya ang ginawa ni Robredo nang hamunin pa ang pangulo na sibakin na lamang siya sa pwesto dahil sa kawalan ng tiwala na hawakan ang nga classified information sa war on drugs.
Binigyan aniya ni Pangulong Duterte si Robredo ng pagkakataon na tumulong sa war on drugs subalit pinagulo lamang ito ng bise presidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.