Justice Sec. Menardo Guevarra tinanggihan ang nominasyon bilang SC justice

Tumanggi sa nominasyon si Department of Justice Sec. Menardo Guevarra para sa bakanteng pwesto sa Korte Suprema.

Ayon kay Gueverra, mahal pa niya ang trabaho niya sa DOJ.

Pinasalamatan naman ni Guevarra si Sandiganbayan Associate Justice Raoul Victorino na nag-nominate sa kaniya sa pwesto.

Aminado si Guevarra na noong 2016 inasam niya ang maging mahistrado at ikinunsidera niyang mag-apply sa SC.

Pero may mga pangyayari aniyang nagdala sa kaniya sa ibang bahagi ng Padre Faura at iyon ay sa DOJ.

Read more...