NPC, bubuo ng party stand para sa Aquino veto sa SSS pension hike bill.

By Isa Avendaño-Umali January 20, 2016 - 12:48 PM

sss_logo_0Pinag aaralan na ng Nationalist People’s Coalition o NPC na bumuo ng party stand sa isinusulong na pag override sa veto ni Pangulong Noynoy Aquino sa SSS pension hike bill.

Ayon kay House Deputy Speaker Giorgidi Aggabao, sa ngayon ay tinitimbang na ng NPC solons ang isyu ng override sa Aquino veto.

Sinabi ni Aggabao na sa kanyang pagkakaalam, maraming NPC members sa Kamara ang sumusuporta sa SSS pension increase.

Ani Aggabao, maging siya ay naniniwala na kulang ang kasalukuyang pensyon na natatanggap ng mga SSS pensioner, at kung bigong madagdagan ito ay baka maghirap ang maraming retirees.

Ani pa ni Aggabao, sa oras na maisalang sa House plenary ang usapin sa pag override sa veto ni Pnoy, mag iisyu na rin ang NPC na party stand.

Agad namang nilinaw ni Aggabao na suportado nila ang mga pangunahing prayoridad ng Aquino Administration.

Sa katunayan, handa aniya ang NPC na makipagtulungan para maikasa ang reporma sa SSS upang maibigay na ang dagdag na pensyon.

Ang NPC ay binubuo ng apatnapung district Congressmen, na pawang miyembro rin ng administration coalition sa Kamara.

Nauna nang inilutang ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares ang pag override sa veto ng presidente sa SSS pension hike bill, kung saan kailangan ng 2/3 votes mula sa Mababang Kapulungan.

TAGS: NPC, SSS pension hike bill, NPC, SSS pension hike bill

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.