Pagsibak ni Pangulong Duterte kay Robredo, suportado ni SP Tito Sotto III
Suportado ni Senate President Tito Sotto III ang pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo sa Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Ayon kay Sotto, ang pagtatalaga kay Robredo sa ICAD ay base sa tiwalang ibinigay sa kaniya ng pangulo.
Sa sandaling mawala aniya ang tiwala, mawawala din ang posisyon.
Sinabi ni Sotto na itinalaga ng pangulo si Robredo sa pwesto dahil nais niyang makita mismo ng bise presidente ng lawak ng problema sa ilegal na droga sa bansa.
Inihalintulad pa ni Sotto ang nangyari sa “basketball”. Aniya, nasa prerogative ng isang coach kung sino ang ipapasok o ilalabas na player.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.