DepEd magpapatawag ng dayalogo sa mga media entity; pagtugon sa isyung sangkot ang mga estudyante, guro at paaralan, tatalakayin

By Dona Dominguez-Cargullo November 25, 2019 - 08:42 AM

Magpapatawag ng dayalogo ang Department of Education (DepEd) sa mga kinatawan ng media para talakayin ang tamang pagtugon sa mga isyu na kinasasangkutan ng mga estudyante, guro at paaralan.

Kasunod ito ng insidenteng kinasangkutan ng magulang at guro na umere sa isang TV/Radio program at nag-viral sa social media.

Ayon sa DepEd, bilang konkretong hakbang sa naturang insidente, agad mag-oorganisa ang ahensya ng dayalogo sa media.

Nanawagan din ang DepEd sa mga paaralan na paigtingin ang kanilang Parents-Teachers Associations (PTA) para makabuo ng magandang relasyon at unawaan sa pagitan ng mga guro at magulang.

Kaugnay sa usapin ng pag-ere sa isang programa ng reklamo laban sa isang guro na nagpataw ng parusa sa kaniyang estudyante, sinabi ng DepEd na dumadaan na ang isyu sa tamang proseso.

Sinabi ng DepEd na lumilitaw na ang nagkaroon ng on-the-spot compromise nang hingin ang resignation ng guro kapalit ng hindi pagsasampa ng kaso laban sa kaniya ng batang kaniyang pinarusahan.

Bagaman nasa ilalim ng DepEd Child Protection Policy na ang insidente ng child abuse ay dapat pinagtutuunan ng pansin, mahalaga din namang mabigyan ng due process ang mga guro na hindi naipagkaloob sa sangkot na teacher nang siya ay ireklamo sa TV program.

Ayon sa DepEd ang maagang resignation sa trabaho ay tiyak na magkakaroon ng epekto sa personal na buhay at pamilya ng guro.

“There are laws and policies that apply to students and teachers. DepEd takes care to ensure that both the learner and the teacher are treated with dignity and respect through policies and processes already existing at all levels of governance of DepEd (the schools, Regions, Divisions, and Central Office),” ayon sa DepEd.

Ayon sa DepEd, ang isyu ay hawak na ng kanilang regional at division offices at tiyak na sinusunod ang proseso, batas at polisiya.

Katunayan bago pa nga ang pagrereklamo sa TV program ng pamilya ng bata, nagkaroon na ng pulong sa pagitan ng magulang ng estidyante at ng teacher sa harap ng school head.

Nag-viral ang naturang insidente matapos pumalag ang netizens kabilang ang mga guro at mga estudyante nang hilingin ng host na si Raffy Tulfo ang pagbibitiw bilang guro ng inirereklamong teacher, kapalit ng hindi pagsasampa sa kaniya ng kaso ng pamilya ng bata.

TAGS: deped, Inquirer News, parents, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, raffytulfoinaction, Tagalog breaking news, tagalog news website, teacher, deped, Inquirer News, parents, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, raffytulfoinaction, Tagalog breaking news, tagalog news website, teacher

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.