Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, saklaw si Robredo sa polisiyang “serving at the pleasure of the president”.
Malinaw naman kasi aniya na si Pangulong Duterte ang may appointing authority kung kaya siya rin ang nay karapatan na magsibak sa isang opisyal kapag hindi na kuntento sa trabaho.
October 30 nang lagdaan ni Pangulong Duterte ang appointment paper ni Robredo, November 6 nang tanggapin ni Robredo ang alok at November 24 sinibak naman ito sa puwesto.
Una nang sinabi ni Panelo na nainsulto si Duterte sa hamon ni Robredo na sibakin na lamang siya sa pwesto kung mayroong “trust issue”.