Malakanyang hindi na maglalabas ng official order of dismissal kay VP Robredo bilang ICAD co-chairperson

By Chona Yu November 25, 2019 - 08:22 AM

Wala nang balak ang Palasyo ng Malakanyang na magpalabas pa ng official order para sa ginawang pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo bilang co-chairperson ng Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, saklaw si Robredo sa polisiyang “serving at the pleasure of the president”.

Malinaw naman kasi aniya na si Pangulong Duterte ang may appointing authority kung kaya siya rin ang nay karapatan na magsibak sa isang opisyal kapag hindi na kuntento sa trabaho.

October 30 nang lagdaan ni Pangulong Duterte ang appointment paper ni Robredo, November 6 nang tanggapin ni Robredo ang alok at November 24 sinibak naman ito sa puwesto.

Una nang sinabi ni Panelo na nainsulto si Duterte sa hamon ni Robredo na sibakin na lamang siya sa pwesto kung mayroong “trust issue”.

TAGS: Inquirer News, inter-agency committee on anti-illegal drugs (ICAD), PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Vice President Leni Robredo, War on drugs, Inquirer News, inter-agency committee on anti-illegal drugs (ICAD), PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Vice President Leni Robredo, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.