Global record winasak ng Frozen 2; nagtala ng pinakamataas na kita sa pagbubukas sa mga sinehan

By Dona Dominguez-Cargullo November 25, 2019 - 07:35 AM

Winasak ng pelikulang “Frozen 2” ang global record makaraang magtala ng pinakamtaas na kinita sa pagbubukas nito sa mga sinehan.

Tinatayang $127 million ang domestic gross ng pelikula at $350.2 million naman worldwide.

Ito na ang highest-grossing debut para sa animated film sa buong mundo.

Nagtala din ang Frozen 2 ng Wald Disney ng bagong pinakamataas na rekord sa US at Canada para sa isang animated movie.

Maliban dito, ang kinita sa pagbubukas ng Frozen 2 ay largest opening para sa Walt Disney Animation Studios.

Inaasahan ang mas mataas pang kita ng pelikula sa ikalawang linggo nito sa mga sinehan na matatapat sa “Thanksgiving: at walang pasok sa paaralan ang mga bata.

Ang Frozen 1 ay kumita ng P1.27 billion sa 17 linggo nito sa mga sinehan.

TAGS: Frozen 2, highest grossing debut, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, walt disney, Frozen 2, highest grossing debut, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, walt disney

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.