Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte Jr, parehong batid ng mga Senador at Kongresista ang pangangailangan na maipasa ang SSL 2015 para sa interes ng mga empleyado ng gobyerno.
Inaprubahan na ng Senado ang sarili nilang bersyon ng umento sa sahod, na batay kay Senador Antonio Trillanes ay sinasakop na ang mga retiradong sundalo’t pulis.
Pero ipinaalala naman ni Belmonte na hindi ito kasama sa Basic SSL 4 na pinondohan ng 57.9 billion pesos sa ilalim ng 2016 budget, kaya kung magdaragdag ang Senado ay dapat may panibagong batas.
Ayon naman kay House Appropriations Committee Chairman Isidro Ungab, pag aaralan nila ang Senate version sa sandaling makakuha sila ng kopya ng bill.
Nakatakda namang plantsahin ng Upper at Lower House ang mga pagkakaiba sa panukala sa Bicameral Conference Committee meeting sa January 27.