VIRAL: Traffic enforcer ng San Juan muntik sagasaan ng sinitang driver

By Dona Dominguez-Cargullo November 25, 2019 - 06:11 AM

Viral ngayon sa Facebook ang video ng isang kulay puting kotse na muntikan na umanong sagasaan ang traffic enforcer sa San Juan.

Ayon sa traffic enforcer na si Alfredo Salvo Jr., pinara niya ang Hyundai Elantra na may plakang AFA 9757 sa bahagi ng Wilson Street dahil pumasok ito sa one-way.

Pero sa halip na huminto ay dumeretso ang kotse dahilan para habulin niya ito.

Nang harangin ni Salvo sa harapan ang sasakyan, diretso pa ring umandar ang kotse.

Doon na sumampa sa hood ng sasakyan si Salvo.

Inabutan naman ni Barangay Sta. Lucia Kagawad Raymund Silva ang kotse na nakahambalang sa kalsada habang nakasampa sa hood ang enforcer.

Nang hingan ng lisensya, walang naibigay na lisensya ang driver ng sasakyan.

Si Silva ang nagbahagi sa Facebook ng video ng naturang insidente na naganap alas 8:20 ng gabi ng Linggo, Nov. 24.

Nagpasalamat naman si Silva sa mga rider na tumulong kay Salvo para maharang ang kotse.

Nakakulong na sa San Juan police office ang driver ng kotse at nakatakdang isailalim sa inquest proceedings ngayong araw.

TAGS: Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, San Juan City, Tagalog breaking news, tagalog news website, traffic enforcer, traffic violation, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, San Juan City, Tagalog breaking news, tagalog news website, traffic enforcer, traffic violation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.