M3.4 na lindol naitala sa Surigao del Norte
By Rhommel Balasbas November 24, 2019 - 10:48 PM
Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang bahagi ng Surigao del Norte alas-9:06 Linggo ng gabi.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 50 kilometro Hilagang-Silangan ng General Luna.
May lalim itong pitong kilometro at tectonic ang dahilan.
Hindi naman ito nagdulot ng pinsala sa ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.