1 patay, 2 sugatan sa pagsabog ng granada sa Mandaluyong

Patay ang isa habang sugatan ang dalawang iba pa sa pagsabog ng granada sa Mandaluyong City, Linggo ng umaga.

Batay sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), sumabog ang granada sa Martinez Street, southbound ng Botanical Garden bandang 6:30 ng umaga.

Kinilala ang nasawing biktima na si Police Staff Sergeant Aldin Saligo na nakatalaga sa Station Drug Enforcement Unit ng Mandaluyong City.

Itinanim ang granada sa motorsiklo nito.

Lumabas pa sa imbestigasyon na nakatanggap ng death threats si Saligo bago mangyari ang insidente.

Nangako naman si Mandaluyong City chief of police Col. Remigio Sedanto na ibibigay ang lahat ng posibleng uri ng tulong sa mga biktima at pamilya nito.

Read more...