Jane de Leon, inalala ang mga pinagdaanang pagsubok sa showbiz

By Angellic Jordan November 24, 2019 - 05:30 PM

PHOTO GRAB FROM @imjanedeleon/INSTAGRAM

Inalala ng aktres na si Jane de Leon ang mga pinadaang pagsubod sa showbiz industry.

Ito ay kasunod ng selebrasyon ng kaniyang ika-21 kaarawan.

Sa Instagran, nag-post si Jane ng lumang larawan kalakip ang kaniyang mensahe para sa sarili.

Inilahad ni Jane ang mga hirap at halo-halong emosyon na naramdaman habang dumadalo sa mga workshop at casting.

Binanggit din ng aktres ang mga naramdamang insecurity at takot na baka hindi dumating ang ‘big break’ para sa kaniyang showbiz career.

Maliban dito, ibinahagi ng aktres ang mga pagkakataong hinabol nito ang isang bus para hindi ma-late at maging ang pagtulog sa ABS CBN dahil wala na siyang sapat na pera para umuwi ng Laguna.

Sa kabila nito, pinaalala ni Jane sa kaniyang sarili na hindi ito ang panahon para bumigay sa kaniyang mga pangarap.

Naniniwala aniya siyang maraming malaking mangyayari para sa kaniya.

Dagdag pa nito, dapat huwag nitong kalimutan ang pagbibigay ng pasasalamat sa Panginoon dahil sa lahat ng blessing na ibinibigay sa kaniya.

Bumuhos naman ang pagbati ng ilang kapwa artista at tagahanga nito.

Nabigyan ng ‘big break’ si Jane bilang “Darna” matapos tanggihan ni Liza Soberano ang proyekto.

TAGS: Darna, hardship, Jane De Leon, showbiz career, showbiz industry, Darna, hardship, Jane De Leon, showbiz career, showbiz industry

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.