Kadingilan, Bukidnon nilindol

Phivolcs photo

Tumama ang magnitude 3.2 na lindol sa Bukidnon, Linggo ng hapon.

Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 5 kilometers sa Kadingilan bandang 4:47 ng hapon.

May lalim ang lindol na 2 kilometers at tectonic ang dahilan.

Dahil dito, naitala ang intensity 3 sa Kadingilan, Bukidnon.

Wala namang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...