10 katao, nahuli dahil sa paggamit ng vape sa Metro Manila
Nasa 10 katao ang nahuli ng pulisya na gumagamit ng vape o electronic cigarette sa mga pampublikong lugar sa Metro Manila.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Brig. Gen. Debold Sinas na 10 ang nahuli sa NCR partikular sa Sta. Cruz at Malate sa Maynila, at sa Makati City kasabay ng kanilang police patrol.
Tiniyak ni Sinas na mahuhuli ang mga lalabag sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte at maisasama sa police blotter.
Sinabi pa ng opisyal na kabilang sa kanilang top priorities ang ban sa importasyon at paggamit nito sa mga pampublikong lugar.
Mahigpit din aniyang ipinatutupad ang “no vape zone” sa kanilang kampo.
Noong Miyerkules (November 20), nagsimula ang operasyon ng Philippine National Police (PNP) laban sa paggamit ng e-cigarette sa mga pampublikong lugar matapos ang direktiba ng pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.