Mayor ng Labason, Zamboanga Del Norte , pinasisibak ng Ombudsman

labasonPinasisibak na sa puwesto Office of the Ombudsman ang pag-dismis sa puwesto kay Labason Zamboanga del Norte Mayor Wilfredo Balais.

Paliwanag ng Ombudsman, guilty si Balais sa kasong Grave Misconduct at Serious Dishonesty dahil sa maanomalyang pagbili ng sasakyan.

Nabatid na ibinenta ni Balais ang kanyang Nissan Patrol kay Eduardo Ayunting noong November 2010 sa halagang kalahating milyon.

Gayunman, matapos mabili ni Ayunting ang sasakyan kay Balais, ibinenta naman nito ang Nissan Patrol sa lokal na pamahalaan ng Labason sa halagang P960,000.

Ayon sa Ombudsman, labag sa procurement law ang ginawa ni Balais.

Bukod sa pagpapa-dismiss sa serbisyo, pinagbawalan na rin ng Ombudsman si Balais na humawak ng ano mang puwesto sa pamahalaan at tinanggalan na rin ng retirement benefits.

Bukod kay Balais, pinasususpendi rin ng Ombudsman ng tatlong buwan na walang bayad sina Municipal Accountant Christy Baganutan at Municipal Treasurer Melchor Chipoco dahil sa neglect of duty nang i- proseso ng mga ito ang disbursement ng voucher at checke para sa pagbili ng sasakyan.

Read more...