Pangulong Duterte sa mga Filipinong atleta sa SEA Games: “Good luck”

“Good luck.”

Ito ang naging mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Filipinong atleta na sasabak sa 30th Southeast Asian (SEA) Games na gaganapin sa Clark City sa Pampanga sa November 30 hanggang sa December 11.

Ayon sa pangulo, hangad niya ang lahat ng swerte at panalangin sa mga Filipinong atleta para manalo sa naturang patimpalak.

“Yes. I wish them all the luck and my fervent prayers goes with it,” pahayag ng pangulo.

Tinatayang aabot sa 10,000 na Filipinong atleta ang sasabak sa SEA Games.

Read more...