Bulkang Taal, nakapagtala ng higit 100 volcanic earthquake sa nakalipas na 24 oras
Nakapagtala ang Bulkang Taal ng mahigit 100 volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras.
Batay sa 24-hour monitoring ng seismic network ng nasabing bulkan, naramdaman ang 100 volcanic earthquakes mula Sabado ng umaga hanggang Linggo ng umaga.
Ayon sa Phivolcs, isa sa naramdamang volcanic earthquake ay bandang 8:22, Sabado ng gabi, kung saan naitala ang intensity 1 sa Barangay Pira-piraso sa Talisay, Batangas.
Noong November 21, mula sa 32.8 degrees Celsius, sinabi ng ahensya na nadagdagan ang water temperature ng bulkan sa 33.6 degrees Celsius.
Sinabi ng Phivolcs na nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.