Metro Manila at ilang lugar sa Luzon, makararanas ng pag-ulan

By Angellic Jordan November 24, 2019 - 02:15 PM

DOST PAGASA photo

Asahang makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lugar sa Luzon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 1:38 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Metro Manila, Bulacan at Rizal.

Mararamdaman ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Maliban dito, apektado rin ng kondisyon ng panahon ang Quezon partikulat sa General Nakar, Lucban at Tayabas; Laguna sa Paete, Pagsanjan, Santa Cruz, Magdalena, Pila, Victoria at Majayjay.

Uulanin din ang bahagi ng Batangas sa Taysan, Batangas City, Ibaan, Rosario, Padre Garcia at Lipa; Cavite City sa Cavite.

Pinayuhan ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

TAGS: Batangas, Bulacan, cavite, laguna, Metro Manila, Pagasa, Quezon, Rizal, thunderstorm advisory, Batangas, Bulacan, cavite, laguna, Metro Manila, Pagasa, Quezon, Rizal, thunderstorm advisory

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.