Pangulong Duterte, dumalo sa binyag ng apo sa tuhod

Dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa binyag ng apo sa tuhod sa Davao City.

Base sa mga litrato na ipinamahagi ni Senador Christopher “Bong’ Go, makikitang hinahalikan ni Pangulong Duterte si Rodrigo ‘Tres’ Duterte na apo na sa tuhod.

Si Tres ay anak ni Rodrigo ‘Rigo’ Duterte II na anak ni Davao Congressman Paolo Duterte.

Wala namang ibinigay na dagdag na detalye ang Palasyo ng Malakanyang kaugnay sa pagdalo ng pangulo sa binyag ng kaniyang apo sa tuhod.

Read more...