Andanar, nangakong gagawa ng aksyon ang gobyerno para mahinto ang pag-atake vs media

By Angellic Jordan November 23, 2019 - 06:57 PM

Nangako si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na gagawa ng aksyon ang administrasyong Duterte para mahinto ang pag-atake laban sa mga mamamahayag.

Kasabay ito ng ika-10 anibersaryo ng Maguindanao massacre.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Andanar na pag-iibayuhin ng gobyerno at Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ang pagtugon sa kanilang tungkulin para maiwasan ang marahas na pag-atake sa media.

Aniya, trabaho lamang ng mga mamamahayag na ipakalat ang katotohanang impormasyon sa publiko.

Ipinangako rin ni Andanar na itutulak ng gobyerno ang kaso para mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng pagpatay sa mga mamamahayag sa bansa.

Inihayag din nito ang pakikisimpatya sa pamilya ng mga biktima ng malagim na massacre.

Matatandaang nasa kabuuang 58 indibidwal kung saan 38 ang mga mamamahayag na sangkot sa Maguindanao massacre.

TAGS: journalist, maguindanao massacre, Mamamahayag, media, pcoo, Sec Martin Andanar, journalist, maguindanao massacre, Mamamahayag, media, pcoo, Sec Martin Andanar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.