Mga produktong petrolyo, magkakaroon ng rollback sa susunod na linggo

By Angellic Jordan November 23, 2019 - 05:54 PM

Asahan nang magkakaroon ang ilang kumpanya ng langis ng bawas-presyo sa kanilang mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa abiso ng Shell at Petro Gazz, P0.10 ang ibababa sa kada litro ng kanilang diesel habang P0.20 naman sa kada litro ng gasolina.

Sinabi pa ng Shell na nasa P0.10 ang tapyas sa kada litro ng kanilang kerosene o gaas.

Sinabi ng dalawang kumpanya na epektibo ang kanilang oil price rollback sa araw ng Martes, November 26, bandang 6:00 ng umaga.

Inaasahan namang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang kumpanya ng langis ng kanilang oil price adjustment.

Ito na ang ika-siyam na sunod na linggong magkakaroon ng rollback sa presyo ng diesel.

TAGS: BUsiness, diesel, gasoline, kerosene, oil price adjustment, oil price rollback, Petro Gazz, Shell, BUsiness, diesel, gasoline, kerosene, oil price adjustment, oil price rollback, Petro Gazz, Shell

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.