Bilang ng nakumpiskang vape sa Central Visayas, nasa 200

By Angellic Jordan November 23, 2019 - 05:38 PM

Hindi bababa sa 200 na vape o electronic cigarette ang nakumpiska kasabay ng ikinasang operasyon ng pulisya sa Central Visayas.

Umabot sa 230 ang kabuuang bilang ng mga vape na nakuha sa mga nahuling gumagamit nito sa mga pampublikong lugar.

Sa nasabing bilang. 95 rito ay mula sa Cebu City habang 30 sa Lapu-Lapu City at pito naman sa Mandaue City.

Maiban dito, 74 naman ang nakumpiska sa probinsya ng Cebu, 20 sa Bohol at apat sa Negros Oriental.

Hindi naman ikinulong ang mga nahuli at binigyan lamang ng babala.

Pinapirma rin ng pulisya ang mga nahuli sa isang dokumento matapos makuha ang vape.

TAGS: Central Visayas, vape, Central Visayas, vape

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.