LOOK: ‘Self-love ring’ ni Ryza Cenon

PHOTO CREDIT: @iamryzacenon/INSTAGRAM

Ibinida ng aktres na si Ryza Cenon ang singsing para sa kaniyang sarili.

Sa Instagram, nag-post ang aktres ng larawan kung saan makikita ang tinawag nitong “self-love ring.”

Gawa sa ginto ang singsing na mayroong round-cut diamond sa ibabaw nito. Mayroon din itong gold plate kung saan nakalagay ang pangalan ng aktres.

Ayon kay Ryza, ito ang kaniyang paraan ng pagsasabi ng “yes” para ipaalala na dapat niya munang mahalin ang kaniyang sarili bago ibigay ang puso sa sinuman.

Kapag dumating na ang tamang tao, sinabi ni Ryza na ililipat niya ang singsing sa kabilang kamay para tanggapin ang singsing mula sa kaniyang “mr. right.”

Read more...