CHR, nanawagang mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng Maguindanao massacre
Nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) na mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng Maguindanao massacre.
Ito ay kasabay ng ika-10 anibersaryo ng brutal na pagpatay sa ilang indibidwal kabilang ang ilang mamamahayag sa Maguindanao.
Ayon sa CHR, hindi pa rin napapanagot ang mga responsable sa marahas na krimen.
Dagdag pa ng ahensya na hindi matatawaran ang mahabang panahong paghihintay ng pamilya ng mga biktima.
Iginiit din ng ahensya na dapat palakasin ng gobyerno ang mga mekanismong nagbibigay proteksyon sa kaligtasan ng media.
Samantala, posible nang ilabas ng Korte Suprema ang kanilang desisyon ukol sa kaso sa susunod na buwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.