Brgy. chairman na gumagamit umano ng ilegal na droga, timbog sa Quezon
By Angellic Jordan November 23, 2019 - 01:55 PM
Arestado ang isang barangay chairman na hinihinalang gumagamit ng ilegal na droga sa bayan ng Gumaca, Quezon province Sabado ng madaling-araw.
Sa ulat ng Gumaca police, nahuli sa anti-drug operation ang chairman ng Barangay San Diego Poblacion na si Peter Vermont Noscal, 39-anyos.
Isinagawa ang operasyon sa bahay ni Noscal sa bisa ng search warrant bandang 3:15 ng madaling-araw.
Nakuha sa suspek ang apat na pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P2,775 at ilang drug paraphernalia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.