200 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Makati
Aabot sa 200 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos matupok ng apoy ang isang residential area sa Zan Zivar St. Brgy. San Isidro, Makati City, Biyernes ng hapon.
Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog bandang pasado alas-2:00 ng hapon at natupok ang 100 bahay.
Ayon sa Bureau of Fire Protection-Makati, nagsimula ang apoy sa bahay ng isang Jerome Samosa.
Mabilis itong kumalat sa mga katabing-bahay dahil pawang gawa ang mga ito sa light materials.
Alas-3:30 na ng hapon nang tuluyang maapula ang sunog.
Tinatayang nasa higit P1 milyon ang pinsala sa ari-arian.
Maswerte namang walang napaulat na namatay o lubhang nasugatan sa sunog.
Kasalukuyang nananatili ang mga apektadong residente sa malapit sa basketball sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.