Northeast monsoon o Amihan na lamang ang weather system na nakakaapekto sa bansa sa kasalukuyan partikular sa Northern at Central Luzon.
Ayon sa 5am severe weather bulletin ng PAGASA, wala nang epekto ang Bagyong Sarah sa bansa at papalabas na ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR)
Ngayong araw, dahil sa Amihan, makararanas ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan sa Aurora at Quezon.
Sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley, katamtamang maulap hanggang maulap na kalangitan ang mararanasan na mayroon pa ring pulo-pulong pag-ulan dahil sa Amihan.
Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, maaliwalas ang panahon na may posibilidad lamang ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.