Bagyong #SarahPH naging tropical depression na lang, nasa boundary na ng PAR
Patuloy ang paghina ng Bagyong Sarah habang papalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa 5am severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 700 kilometro Hilagang-Silangan ng Basco, Batanes.
Taglay na lamang nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 km kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 km bawat oras.
Kumikilos ito pa-Hilaga sa bilis na 20 km kada oras.
Ayon sa PAGASA, inaasahang nasa labas na ng PAR ang bagyo sa susunod na anim na oras.
Gayunman, may posibilidad pa rin na maging isang low pressure area (LPA) na lamang ito bago pa makalabas ng PAR.
Wala nang nakataas na gale warning saanmang baybaying dagat ng bansa dahil humina rin ang Northeast Monsoon o Amihan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.