230 vapes nakumpiska, 184 vapers hinuli sa Cebu City

CDN Photo

Hinuli ng Central Visayas Police ang 184 vapers at nakumpiska ang kabuuang 230 e-cigarettes kasunod ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagbawal ang vaping sa mga pampublikong lugar.

Ayon kay Central Visayas Police chief Brig. Gen. Valeriano De Leon, ang mga vape ay nakumpiska mula noong Martes.

Pinaalalahanan ni De Leon ang publiko na bawal ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar dahil sa Executive Order 26 ng pangulo.

Ayon sa police official, wawasakin ang mga nakumpiskang vape.

Nilinaw naman nito na dinala lamang ang vapers sa mga istasyon ng pulis para isailalim sa police blotter at agad naman ding pinakawalan.

Umapela si De Leon sa vapers na igalang ang karapatan ng mga non-smokers.

Kung mapanganib anya ang pagsisigarilyo sa mismong naninigarilyo, ganon din ay mapanganib ito sa mga nakalalanghap ng usok.

“Smoking is dangerous to your health. In the same manner, [it is] equally dangerous for secondhand smoke or non-smokers. Cigarette and e-cigarette or vape smoking poses serious health problems such as lung cancer, heart disease and difficulty of breathing,” ani De Leon.

Magugunitang sa Consolacion, Cebu unang naitala ang kauna-unahang vape-related disease sa bansa na inanunsyo ng Department of Health (DOH).

Read more...