PDEA: 29% ng mga baranggay sa Metro Manila drug-free na
Inanunsyo ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na 29 percent ng mga baranggay sa Metro Manila ang nalinis na mula sa iligal na droga.
Sa pulong ng Regional Oversight Committee on the Barangay Drug-Clearing Program araw ng Huwebes sa Pasay, sinabi ng PDEA – National Capital Region na 496 ng kabuuang 1,709 baranggay sa Metro Manila ay idineklara nang drug-free hanggang nitong November 2019.
Mas mataas umano ito sa target na 491 baranggay hanggang sa December 2019.
Para sa buwan lamang na ito, sinabi ng PDEA na 100 baranggay ang nag-apply para maideklarang drug free ng komite.
Pero, 98 lamang ang pumasa sa mga pamantayang itinakda ng panel.
Ang komite ay binubuo ng PDEA na head agency, Philippine National Police, Department of the Interior and Local Government, Department of Health, at barangay anti-drug abuse councils.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.